Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manager ni Empress, nag-sorry sa GMA dahil sa biglang pagbubuntis

ni Roldan Castro

041415 Becky Aguila Empress Schuck

BALITANG maagang tatapusin ang seryeng kinabibilangan ni Empress Schuck bago lumaki ang tiyan niya. Naapektuhan ang serye dahil sa kanyang kalagayan.

How true na nagpadala ng Food For The Gods ang kanyang manager na si Becky Aguila sa GMA 7 na may note na nagso-sorry. Kalilipat lang kasi ni Empress sa Kapuso Network at nagpabuntis agad.

Tatlong buwan na raw ang kanyang dinadala sa kanyang non-showbiz boyfriend na taga-Zamboanga.

Si Jennylyn Mercado ang nag-interview sa kanya sa Startalk at doon niya ipinagkatiwala kung ano talaga ang kanyang sitwasyon.

Sey ni Empress, childhood friend niya ang nakabuntis sa kanya pero more than one year na silang may relasyon.

Bago ang non-showbiz guy na ito, huling na-link sa kanya ang young actor na si Joseph Marco.

Nabigla ang mga magulang ni Empress sa kalagayan niya at noong una ay nahirapang tanggapin ng kanyang ina ang pagbubuntis niya. Pero nandiyan ang kanyang manager at kaibigan na sumuporta sa kanya.

Balak ni Empress na bumalik sa showbiz pagkapanganak. Excited na siya sa pagiging ina.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …