Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasalang Empress at Vino, pinaplano na

 

ni Roldan Castro

041415 Empress Schuck Vino Guingona

YUMMY pala ang non-showbiz boyfriend ni Empress Schuck na ama ng kanyang dinadala. Biruan nga na kahit sino naman kung ang tipo ni Vino Guingona ang bf ay magpapabuntis talaga. Si Vino ay apo ni former Vice President Teofisto Guingona Jr. at pamangkin ni Senator Teofisto Guingona III.

Isang modelo si Vino at na-feature noong 2011 sa Cosmopolitan Philippines bilang ‘summer hunks’.

Masaya si Empress dahil hindi siya iniwanan ng bf noong panahong kailangan niya ng karamay at hindi pa alam ng parents niya ang kanyang kalagayan.

Hindi pa pinag-uusapan ang kasal dahil ang focus nila ay sa baby. Basta magkatuwang daw sila na palakihing malusog ang anak nila.

Ang wedding daw ay pinaplano, kailangang pag-usapan at paghandaan dahil isa na naman itong responsibilidad. Pero wish din niya na sila rin ni Vino ang magkatuluyan sa bandang huli. Hindi naman daw niya nakikita ang sarili niya na may kasamang iba.

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …