ni Ambet Nabus
BONGGA rin ang nakikita at nararamdaman naming mangyayari sa career ni Isabelle Daza na mapapanood na sa ABS-CBN soap na Nathaniel very soon.
Masipag mag-promote at makipag-usap si Isabel tungkol sa experience niya sa naturang soap at kung paano niyang ‘inakit’ si Gerald Anderson in her character na isang abogada sa soap. Bida-kontrabida si Isabel sa role niya kaya’t asahan na rin daw ang pagkakaroon niya ng bashers if ever man.
Pero ang isa sa pinakamasayang tsika ng maganda at mahusay na aktres ay ‘yung experience niya sa mga bata, lalo na nga sa nagbibidang si Nathaniel na ginagampanan ng kyut na kyut na si Marco Masa.
Inaasahan ngang gaya ng mga iba pang primetime shows ng ABS-CBN, na nagpu-promote ng values in religion, family and Pinoy tradition, hahataw sa malakas na viewership angNathaniel.