ni John Fontanilla
HINDI naiwasang mapahagulgol ni Bianca King sa presscon ng Showbiz Konek na Konek nang matanong ito tungkol sa kanyang dream na maging talk show host.
Panay ang sorry ni Bianca sa mga invited press sa bigla nitong pag-iyak. Aniya, bigla lang niyang naalala ang kanyang yumaong lola kamakailan na pangarap nitong maging host o magdirehe siya ng commercials bukod sa pagiging artista.
Hindi man lamang daw ito inabot ng kanyang lola ang pangarap niyang maging host kaya naman hindi niya napigilang mapa-iyak.
Alam daw ni Bianca na happy na ang kanyang lola kung nasaan man ito ngayon. Makakasama ni Bianca sa SKK sina IC Mendoza at MJ Marfori na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes 11:30 a.m. Kapatid Network.