ni Roland Lerum
LAST telecast na ng The Buzz last April 5. Mismong si Boy Abunda ang nag-inform nito sa audience. Inamin niyang masakit sa kanyang loob ang pagkawala ng programa pero kinakailangan daw ito dahil ang staff ng The Buzz ay na-promote na sa kani-kanilang posisyon
Halimbawa, yung scriptwriter ay naging head writer na, and so on, and so forth.
Pero hindi pa totally namamaalam ang The Buzz. Pansamantala lang daw ito. Kailangan nilang baguhin ang pagbabalita sa showbiz sa mas moderno at mas makabuluhang paraan.
Naging emotional si Kuya Boy habang papatapos ang kanyang speech. Sabi niya,”Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako iiyak ngayon pero… ang masasabi ko lang ‘Don’t cry because it’s over. Smile because it’s happening’.”
Hindi pa masabi ni Kuya Boy kung kailan babalik ang The Buzz pero basta alam niyang sa loob ng 16 years, nakatulong ang programa para sa mga televiewer na uhaw sa showbiz balita. Binalikan niya ang 1999 hanggang sa kasalukuyang 2015, ang mga interview sa mahahalagang celebrity na kinakailangang malaman kahit wala pa silang tulog kung minsan.
Sa kabuuan, pagmamahal sa manonood ang ipinaiiral ni Kuya Boy sa bawat programa niyang hawakan. Hindi pa rin niya malaman kung pagbalik ng programa ay iyon pa rin (Toni Gonzaga at Kris Aquino) ang kanyang makakasama. Basta ang dalangin namin, dapat lang magbalik ang The Buzz sa malaking pagbabago nito.