ni Mildred A. Bacud
HINDI pa rin daw sumusuko ang actor/singer na si Sam Concepcion sa relasyon nila ng dating girlfriend na si Jasmine Curtis. Kailangan lamang daw nilang makapag-usap ng masinsinan.
Itinanggi naman niya ang isyung may kinalaman ang kapatid nitong si Anne sa hiwalayan nila. Lagi raw ang dalawang taong involved sa relasyon ang may problema at hindi raw kailangan magturo ng iba.
Pero sey ni Sam, hindi pa raw tapos ang tungkol sa kanila ng dating girlfriend at naniniwala siyang maaayos niya ito. Willing daw siyang i-pursue muli si Jasmine.