ni Roland Lerum
SA May 16 na ang kasal nina John Prats at Isabel Oli. Nagpadala na sila ng imbitasyon sa mga kaibigan at kakilala. Gumamit pa sila ng courier service sa padadalhan nito. Tiyak na aabangan ito ng fans ng dalawa pero ang iba sa kanila ay hindi makadadalo dahil may pagka-sosyal ang event.
Si Isabel ay parang hindi pa makapaniwala na magiging May Bride siya. Gusto sana niyang maging June Bride dahil ‘yun ang kinaugalian na pero atat na siyang maging Mrs. Prats kaya mas maaga, mas mabuti. Si John naman ay walang pagsidlan ng kaligayahan. Gusto na talaga niyang gumawa ng pamilya at si Isabel ang babaeng natatangi sa kanya.