FOR sure, sa lakas ng benta ngayon ng ticket para sa first major solo concert ni Alex Gonzaga na AG From The West “The Unexpected” sa Smart-Araneta Coliseum sa April 25, bukod kay Alex ay may isang tao ngayon na masayang-masaya.
‘Yan ay walang iba kundi ang producer ng concert ng sister ni Toni na si Joed Serrano. Vindicated rin si Joed sa lahat ng mga nagtaas ang kilay sa desisyon niyang bigyan ng break si Alex sa big dome.
Yes! Ayon kasi sa nakarating sa ating balita simula nang mag-start ang ticket selling para sa nasabing concert ni AG ay maraming fans ang bumili agad. As of presstime ay ubos na raw ‘yung tickets para VIP seat na nagkakahalaga ng P5,300 at Patron A na worth P3,710 naman at ang source ng impormasyong ito ay galing mismo sa official ticket outlet ng show na TicketNet Online. Sa lakas ng feedbacks at sobrang sipag mag-promote ni Alex ‘yung mga natitira pang tickets ay puwedeng ma-sold out bago dumating ang concert ng Kapamilya young singer actress. Sulit naman daw talaga ang ibabayad ninyo dahil punong-puno ng pasabog ang unang attempt ng batang Gonzaga sa Araneta.
Why not, coconut gyud!
ni Peter Ledesma