UNUSUALLY quiet ang isang sikat na male personality, bagay na hindi nakagawian ng mga taong nakakakilala sa tabas ng kanyang dila.
Ilang buwan nang hindi visible ang pigurang ‘yon.
Sa katunayan, pinananabikan na ang araw kung kailan siya muling bubulaga.
By now nga ay dapat maugong na ang mga detalye ng kanyang pagbabalik, every aspect of which should already be made known to the public lalong-lalo na sa kanyang mga tagahanga.
But not a single miniscule detail ang naisasapubliko tungkol sa kanyang comeback vehicle: ang araw kung kailan ito mapapanood, ang time slot nito, ang format at ang mga kaabang-abang na sahog nito kumbaga sa ihahaing putahe.
Dinig namin, may mahigpit na bilin sa personalidad na ‘yon ang “nasa itaas.” Should he spill the beans, nanganganib daw matuloy pa ang kanyang long-overdue return.