Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paninigarilyo ni Julian, kinondena

ni Roldan Castro

040715 julian estrada

PAANO ipaliliwanag ni Julian Estrada sa kanyang ama ang lumabas niyang larawan sa isang blog na nagsisigarilyo umano sa isang non-smoking area tapos may dirty finger pa? Bagamat may nakalagay na non-smoking sign sa larawan, hindi kami sure kung totoo ‘yun o edited picture. Basta ang pagkakaalam namin ay bawal pa kay Senator Jinggoy Estrada na manigarilyo ang anak.

Sa naturang larawan ay katakot-takot ang bashers niya. Kinokondena ang bagets na hindi raw sumusunod sa batas. Naawa kami sa mga comment kay Julian dahil para namang nagkaroon siya ng mabigat na kasalanan. Dumaraan naman talaga sa mga teenager ang mga ganyang bagay na nagsisigarilyo at kung minsan ay nagpapasaway. Nagkataon lang na anak siya ng Senator at artista kaya napapansin.

Nabasa namin sa Twitter Account ni Julian na, ”Hi! I’m Julian. I’m just a normal kid. I wanna have fun. I do things that make me happy. I know my limits.

“I don’t know why people hate me for what I do… If u don’t like it then okay, what can I do? I cant please the society.”

“We all live our own lives. Live yours. Ill live mine. Do it your way, I’ll do it my way. I’m sorry if I’ve offended some of you guys.

“I just wanna let u guys know that I love you & I’m sorry again if I hurt you guys.”

‘Yun na!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …