ni Ronnie Carrasco III
SA Budapest, kabisera ng Hungary, gaganapin ang Miss Universe na ang kinatawan natin ay si Pia Wurtzbach.
Pia is half-Filipino and half-German, obvious naman sa kanyang last name (ang kalahati ng kanyang apelyido—Bach—is taken from German classical composerJohann Sebasian Bach).
Makaraan nga ang tatlong beses na pagsali sa Binibining Pilipinas, finally, nasungkit ni Pia ang korona. But kinda too old for a candidate who’s over a quarter of a century.
Hindi rin impressive ang sagot ni Pia sa tanong kung ano ang kanyang opinyon tungkol sa internet censorship. ”Always think before you click” ang naging sagot niya, ang sumikat na slogan ng GMA as a guide to responsible use of social media.
Dahil may 11 porsiyentong German ang populasyon ng Hungary—situated in Central Europe—at dahil may dugong Aleman si Pia, payo ng pamunuan ng BPCI ay gamitin niya ang wikang German sa pagsagot sa final question should she be chosen as one of Top Five finalists.
Para sa amin, it’s not in the language by which any candidate can shine the brightest.
Eh, Ingles na nga ang tanong kay Pia sa Binibining Pilipinas, pero nasagot ba niya ang tanong like hitting the nail in the head?
Back in the local pageant, kinatawan ba ni Pia ang Filipino community in Germany? So, why speak German kung sakaling mapabilang siya sa Top Five? Para ma-impress lang ang 11 percent German-speaking Hungarians more than a much greater population na nakaiintindi ng Ingles all over the world?
Imbes na German language,Tagalog na lang
Again, wala sa lengguwahe ‘yan kundi sa laman ng isasagot ni Pia. Why hire an interpreter, eh, nakadepende lang naman ‘yon sa isasagot ng hitad?
Kung kami ang BPCI, papayuhan naming kumuha pa rin ng interpreter si Pia, who will answer the final question in Tagalog! That will be history.
Imagine, for the first time in an international pageant, magta-Tagalog ang isang Filipina representative?