Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carmina, na-tense nang makipaghalikan kay Paulo

ni Pilar Mateo

030715 Carmina Villarroel Paulo Avelino

FIERY cougar!

Ito ngayon ang pinag-uusapan sa character ng aktres na si Carmina Villarroel bilang si Alexa sa patuloy na tinututukang Bridges of Love sa ABS-CBN na iniikutan ang triyanggulo nina Paulo Avelino, Maja Salvador, at Jericho Rosales.

Unti-unti ng nasasaksihan sa kanyang mga eksena with Paulo ang mga sexy at intimate scenes bilang isang babaeng umaamot ng pagkalinga mula sa kanyang minamahal.

Sabi naman ni Carmina noong una pa lang, malaki nga raw ang tiwala sa kanya ng mister na si Zoren Legaspi. At hindi sa trabaho nila magmumula ang selosan.

But when this role came, aminado si Carmina na may kasamang kaba at takot ang mga nabasa niyang intimate scenes sa script.

“Nagdalawang-isip talaga ako kung tatanggapin ko ba o hindi. Eh, super supportive naman ang asawa ko kaya lumakas na rin ang loob ko. Kasi kailangan ang mga passionate kissing scene. First time kong gumawa ng ganitong character o role. Kaya nakate-tense rin kasi most are intimate scenes eh, baka sa iba ‘ah ‘yun na ba ‘yon’ lang ang maging dating. There’s much pressure. Kaya sana, giving it all my best eh, magustuhan naman ng viewers ang napapanood nila sa amin.”

Habang abala naman si Zoren sa Forevermore they both make it a point to never miss their quality time with their kids.

“I am basically a bungisngis na happy person. Kaya challenge talaga sa akin ang personalidad ni Alexa. Na unti-unting maa-unfold ang layers ng katauhan dahil sa malalim din niyang pinagdaraanan. But when I get home, kailangan switched off na ‘yun.”

And that’s where her mommy moments in her happy life as a happy wife continues!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …