ANG bahay na hugis-ari ng isang lalaki malapit sa Sydney, Australia, ay ibinibenta na sa halagang $853,000.
Ang bahay, opisyal na tinaguriang “Sherwin House” ngunit tinatawag na “Penis House” ng mga kapitbahay at
“Buckingham Phallus” ng cheeky journalists, ay itinayo noong 1958 ng tanyag na arkitektong si Stan Symonds, ayon sa ulat ng News.com.au.
Sa loob, ang four-bedroom house ay mistulang serye ng mga bilog. Tanging sa ere lamang o sa blueprints makikita ang kabuuan nito, ayon sa Phil Vanstone, ang real estate agent na kumakatawan sa pagbebenta ng nasabing ari-arian.
“Most of the time the husbands get it immediately,” aniya, ayon sa Daily Telegraph. “You can see the wives nudging them, telling them to shut up.”
Naniniwala si Vanstone na ang architect’s dick design ay sinadya.
“He is a very bright fellow, so I imagine he probably does know it is shaped as the way it is,” pahayag ni Vanstone sa Mashable. “[The current owners] think it is a bit tongue in cheek.”
“It is a very liveable floor plan, although a bit ood, and the fact it has all the original carpentry shows it is a very liveable design, as people haven’t gone messing with it,” ayon kay Vanstone.
(THE HUFFINGTON POST)