ni Rommel Placente
TIYAK na matutuwa ang mga tagahanga ni Maricel Soriano dahil muli na naman siyang mapapanood ng mga ito sa wide screen.
May gagawing pelikula si Maricel na pagtatambalan nila for the first time ni Quezon City Mayor Herbert Bautista titled Lumayo Ka Nga Sa Akin mula sa Viva Films.
Gaganap sila rito bilang mag-asawa. Si Harvey Bautista ang gaganap bilang anak nila na tunay na anak sa totoong buhay ni Mayor Herbert kay Ms. Tates Gana.
Nag-start na ang shooting para sa nasabing pelikula.