Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina ni Iñigo, may nararamdaman pa kay Piolo? (Kaya hindi na raw nag-asawa pa…)

033115 inigo pascua mother piolo

00 fact sheet reggeeSA wakas ay nakatsikahan namin ang mailap na mommy ni Iñigo Pascual na si Ms Donna Lazaro sa And I Love You So pocket presscon.

Ayaw talaga magpa-interbyu ni Ms Donna dahil hindi naman daw siya showbiz at si Inigo na lang daw ang kausapin namin, pero sadyang makulit kami kaya napapayag na rin siya nang umokey din ang manager ng anak niyang si Cornerstone President, Erickson Raymundo.

Siyempre unang tanong namin kay mommy Donna ay kung ilang taon na siya at sabi nga niya ay 38-anyos na.

Simula raw nang maghiwalay sina Ms Donna at Piolo Pascual ay hindi na siya nag-asawa o nakipag-relasyon pa.

“May mga nanligaw naman po, kaso choice ko rin po na maging mag-isa, at saka na-enjoy ko kasi ‘yung pagiging mommy, pag-aasikaso kay Inigo,” kuwento ni ms Donna.

Nadala ba siya nang maghiwalay sila ni Papa P? ”Ay hindi naman po,” natawang sagot nito.

Baka naman naghihintay si mommy Donna na baka isang araw ay magkakabalikan pa rin sila ni Piolo, ”ay hindi po, wala po, friends lang kami talaga,” mabilis na sagot ng ina ni Inigo.

Totally wala na siyang nararamdaman kay Papa P, sundot namin, ”ay wala na po, friends na talaga.”

Paano kung may nagiging girlfriend si Piolo okay lang ba iyon sa mommy ni Inigo?”Never ko naman pong pinakialaman ‘yun.”

Pero hindi naman itinago ni Ms Donna na may nararamdamang sakit, ”sa akin po wala, siguro para sa anak ko.”

Hindi ba siya tinutukso ni Inigo na magbalikan na sila ni Piolo, tutal pareho naman silang single? ”Ay, wala naman po,” natawa uling sagot sa amin.

Bakit nga ba sila nagkahiwalay ni Piolo.

“Bata pa po kasi kami noon, noong naging kami, 17 going 18 years old po, barkada po kami, priority niya kasi that time ang pag-aartista niya.

“At saka mga bata po kami, ‘yung mga desisyon namin (hindi stable), tapos ako, priority ko rin para sa anak ko,”kuwento ni mommy Donna.

Kaliwa’t kanan ang isyu kay Piolo, paano niya ito ipinaliliwanag kay Inigo?

“Ano po, eversince naman sinasabi ko kay Inigo kung ano ang work ng papa niya, pero hindi ko sinasabi kung gaano siya (Piolo) ka-famous, basta pinalaki ko siya na ‘yung daddy niya kapag kasama niya, daddy lang niya, hindi artista.

“So ‘yung relationship nila, more on as father and son, ‘yung work ng dad, nakahiwalay, pero in-explain ko kung anong klase ang work ng dad niya,” kuwento ng mama ng batang aktor.

Taong 2006 daw pumunta ng Amerika ang mag-inang Donna at Inigo at okay naman daw ang naging buhay nila roon, tahimik, malayo sa intriga at simple.

Nang nagka-interes ng mag-showbiz ay nagsabi na itong umuwi sila ng Pilipinas, ”opo, gusto niya talagang mag-join ng showbiz. At first talaga, pinigilan ko kasi nag-aaral, pero nag-promise naman siya na tatapusin niya kaya pumayag na rin ako,” kuwento ng mommy ng batang aktor.

Marami na ang humihiyaw kapag nasa mall shows si Inigo, ano naman ang pakiramdam ni Ms Donna?

“Kasi sa daddy (Piolo) niya, nakikita ko na ‘yun, so parang okay lang naman. Pero ngayon, iba pala kasi ‘pag anak mo na, naano ako, nasu-surprise ako sa mga tao na gusto rin pala siya (Inigo) sa mga ginagawa niya,” masayang sabi sa amin.

Sa showbiz ay hindi maiiwasang hindi maintriga si Inigo, nakahanda na ba si mommy Donna? ”Kasama naman po ‘yun. Basta sabi ko, gawin lang niya ‘yung best niya sa lahat ng ginagawa niya, laging magpi-pray, mag-ask siya ng guidance sa lahat ng gagawin niya,” nakangiting sabi ng mama ng bagets.

 

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …