Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

You’re My Boss nina Coco at Toni, kargado ng pampakilig sa viewers!

033015 toni gonzaga coco martin

00 Alam mo na NonieTRAILER pa lang ng pelikulang You’re My Boss na pinagbibidahan nina Coco Martin at Toni Gonzaga, may hatid na agad na kilig sa manonood. Kaya naman marami na ang excited panoorin ang pelikulang ito na ipalalabas na sa April. 4.

Ngayon pa lang, pati ang aking bunsong anak na si Ysabelle ay kinontrata na ako this coming Saturday para makipila sa pelikulang ito ng Star Cinema.

Actually, dahil hilig namin ang comedy, naobserbahan namin sa pelikulang ito na pinamahalaan ni Direk Antoniette Jadaone ang pagiging versatile talaga ni Coco. Kilala kasi ang award winning actor pagdating sa drama, pero sa tambalang ito nila ni Toni, pinatunayan ni Coco na pati sa comedy ay magaling talaga siya.

Although aminado si Coco na nakailang takes din siya sa ilang comedy scenes niya at malaking tulong ang ginawa ni Toni sa pag-aalalay sa kanya.

“Lahat yata ng mga eksena, gina-guide ako ni Toni. Hindi lang sa mga eksena, kundi kung paano ko sasabihin ng tama yung English words.

“Hindi naman ako sobrang galing sa English and then minsan, kapag sobrang haba ng lines ko ay hindi ko siya mamemorya. Sabi ko nga, parang eto yata iyong mas pinakamahirap na eksena ko, ang magsalita ng English.

“Kasi nga, nahihirapan akong sabihin ng tama. At least si Toni, ikino-coach niya ako. Habang umaartre ako, ibinubulong niya sa akin,” nakatawang saad ni Coco.

Ayon pa sa Kapamilya star, kung minsan daw ay umaabot siya ng take-6 dahil hindi niya masyadong forte ang comedy. Pero sa tulong ni Toni ay naging maganda ang kinalabasan ng mga eksena nila rito.

“Ang laki ng natutunan ko kay Toni, para akong nag-aaral dahil hindi ko forte ang comedy. Talagang gina-guide niya ako, inaalalayan niya ako kaya thankful po ako sa kanya.

“Masarap kasi iyong sa pag-uwi ay nakangiti ako dahil may nagawa akong tama. Kaya this time, masusubukan na ako naman ‘yung magpapangiti sa mga tao. Dati ako iyong laging nagpapaiyak, pero ngayon naman, patatawanin ko naman sila,” nakangiting pahayag pa ni Coco.

Gagampanan dito ni Coco ang karakter ni Pong, isang simple at ordinaryong empleyado na nakipagpalit ng papel sa kanyang boss na ginagampanan ni Toni. Tampok din sa You’re My Boss sina Freddie Webb, Gloria Sevilla, Noel Trinidad, at iba pa. Showing na ito this Saturday, April 4.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …