ni Alex Brosas
HINDI dumalo si Jennylyn Mercado sa kasal ni Patrick Garcia kay Nikka Martinez last March 21.
Nasabi pa naman ni Patrick na dadalo si Jennylyn sa kanyang kasal dahil ang anak nilang siAlex Jazz ang ring bearer.
Pero hindi nga umapir ang beauty ni Jen. Ang paliwanag ng panig ng dalaga, ayaw niyang makaagaw ng eksena dahil araw iyon nina Patrick at Nikka. Siyempre nga naman, intriga lang ang aabutin niya kapag siya ay dumalo. Kahit na kasi ano ang maging paliwanag niya o ni Patrick, may masasabi pa rin ang mga tao sa kanila. It just make sense na hindi na lang siya dumalo.
Anyway, ano na ba ang nangyayari sa career ni Jen? Parang hindi naman nagre-rate ang kanyang teleserye, parang wala itong binatbat sa katapat na show sa Dos.