AYAW paawat ni Mojack Perez sa pagbongga ng kanyang showbiz career! May show siya sa Dubai sa April 24 and 25, 2105, 8 pm. Ito’y pinamagatang TKO o Tawanan Kantahan Okrayan.
Ang TKO ay hatid ng Chill Entertainment at makakasama niya rito sina Manny Paksiw at Coach Freddie Cockroach, mga impersonator ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at ng coach niyang si Freddie Roach.
Sa ngayon, abala rin si Mojack sa pagdadala ng mga celebrity sa probinsiya para sa basketball exhibiton game.
Sa April 19, sa imbitasyon ni Mayor Ace Manalang ay may laro sila sa Tarlac City at ilan sa celebrity players na kasali rito sina Jestoni Alarcon, Onyok Velasco, Joross Gamboa, Gene Padilla, Manny Paksiw, Joseph Bitangcol, Mojack, Marco Alcaraz, at isang surprise na dating PBA star.
“Nagpapasalamat ako kay Mayor Ace ng Tarlac City dahil kami’y kanyang naimbitahan para maglaro ng basketball. Pati kay Nanay Richard Sung na very supportive sa amin at inaalalayan kami sa lahat,” pahayag ni Mojack.
Dahil malapit na ang election, balik-ulit si Mojack sa paggawa ng jingles sa mga politician. Sinisimulan na rin niya ang planong magtayo ng sariling talent agency.
Napapakinggan din si Mojack sa sarili niyang radio program sa Brigada News FM 104.7 every Sunday, from 4 to 7 pm sa programang Magpa-MP, kasama niya rito si Manny Paksiw.
ni Nonie V. Nicasio