ni Alex Brosas
NAG-CELEBRATE si Kathryn Bernardo ng kanyang 19th birthday sa Misibis Bay kasama ang ka-love team niyang si Daniel Padilla, family and friends.
Naglabasan ang mga photo niya sa social media at siyempre pa’y tuwang-tuwa ang KathNielfans.
Pero mayroong nagmamaganda at nagsabing, ”Scripted. Promo. May tarp pa si kathryn ng Kathryn at 19. Lol”
Sinagot naman ito ng KathNiel fan ng, ”Wag inggit… masama yan.. ganyan sya palagi magcelebrate ng bday.. always out of town with friends, just so you know.. tsaka di namn na nila need magpromo… birthday nga eh, nagparty, mga friends ang nagpost ng pics.. ang promo yun kadedebut lang.”
Ayaw din magpaawat ng isa pa who said, ”Sponsored! Freebies! Obvious naman.”
Again, umarya ang KathNiel fan at sinabing, ”She never asked for freebies.. binibigay sa kanya yan… besides, sila ang kumuha kay kath para i endorse sila… alam nila bebenta para sa tards… so saan ang hugot ng inggit mo teh… tanggapin mo na lang na madami syang endorsements… at di sya madamot noh.”
Oo nga naman, walang basagan ng trip. Birthday ni Kathryn ‘yon, hayaan na ninyo siyang maging happy.
Anyway, magandang balita at early birthday gift na rin ang pagiging Platinum ng album ni Kathryn who remains one of the most humble young stars today.