ni Vir Gonzales
MAGANDANG magdala ng suwerte si Karla Estrada. Hindi siya nalulunod sa tagumpay ng anak na si Daniel Padilla!
Napakikinabangan din niya ang talent sa pagkanta sa TV show, sa Your Face Sounds Familiar. May ibang artista na makahawak lang ng P3,000 nakakalimot na sa mga dating kakilala.
Nakasama na namin noong araw pa si Karla sa mga out of town show, tulad sa Calapan Mindoro, Baler Quezon, Nueva Ecija, at sa Bulakan. Maganda talaga ang boses niya, pinakamasuwerte sa grupong That’s Entertainment.
Sinuwerte si Karla dahil matulungin, unang-una silang tumulong sa mga biktima ng Yolanda. Taga-roon kasi si Karla, at may mga lupain doon. Karla Ford ang tunay niyang name, take note milyonarya na siya ngayon pero nakatuntong pa rin sa lupa.