Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kakayahang makapag-perform ni Alex sa Araneta, kinukuwestiyon ni Vice?

ni Roldan Castro

033015 Alex Gonzaga vice ganda

SUSUPORTA kaya si Vice Ganda sa concert ng kaibigan niyang si Alex Gonzaga sa Smart Araneta sa April 25? Mag-guest kaya siya kahit may nalalapit din siyang concert sa Araneta?

Noong Linggo sa Gandang Gabi Vice ay nakapag-promote si Alex sa show ni Vice. Buong ningning niyang tinanong kung saan nakakakuha ng apog si Alex?

Dapat daw ay naniniwala si Alex sa parents niya dahil noong una ay ayaw ng daddy niya. Pero sey naman ni Alex, gusto naman ng Mommy Pinty niya hanggang makumbinse niJoed Serrano, producer ng concert na gawin na sa Araneta ang AG from the East: The Unexpected Concert.

Hindi namin matarok kung pabor ba si Vice na magkaroon ng concert si Alex sa Araneta o hindi. Ano kaya ang pakahulugan niya sa sinabi niyang, “Sana panaginip lang para magising kita?” pagkatapos niyang tanungin kung ano ang title ng kanta ni Alex.

May pabiro pang sabi si Vice na hindi naman performer si Alex pero may concert sa Araneta. Nagtanong din siya kung bakit Araneta agad? Paano raw nakumbinse si Alex na mag-Araneta? Ang original plan kasi ay Music Museum lang. Ayaw na rin daw niyang purihin si Alex dahil tuwing pinupuri niya ay lumalakas ang confidence nito sa sarili.

Baka ganoon lang talaga silang magbatuhan ni Alex at mag-okrayan bilang friends.

Pero pinaghahandaan talaga ni Alex ang kanyang Araneta concert. Balitang may pasabog ang opening na baka maging national issue at mapukaw ang atensiyon kahit ang gobyerno.

Ayon sa aming source, maggi-guest sina Regine Velasquez, Jennylyn Mercado, Maja Salvador, Kean Cipriano, Matteo Guidicelli, Toni Gonzaga atbp..

Pero ang nakatutuwa, si Arjo Atayde ang masipag mag-promote sa kanyang social media ng concert ni Alex, pati ang bagong serye nito. Wala pa sa showbiz si Arjo, balitang crush na niya si Alex.

Pak!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …