Monday , November 18 2024

Vice Ganda, itinangging takot matalbugan ni Alex

032715 vice ganda alex gonzaga

00 SHOWBIZ ms mISA kami sa nagulat nang madatnan ang mga makikisig na lalaking nakabantay sa lobby ng 9501 Restaurant ng ABS-CBN. Kaya naman naitanong namin iyon kay Aaron Domingo, Media Relations Manager, kung ano ang papel ng mga lalaking iyon.

Parte pala iyon ng promotion ng nalalapit na concert ni Vice Ganda, ang Vice Gandang-Ganda Sa Sarili sa Araneta: Eh di Wow! sa Mayo 22 sa Araneta Coliseum. Ang concert ay bilang parte rin ng pagdiriwan niya ng ika-15 taon sa showbiz sa Mayo.

“Hindi ko inakala na mararating ko ang ganitong estado sa industriya. Sobrang saya ko at puno ng pasasalamat sa lath ng madlang pipl na naka-a-appreciate ng lahat ng pagpupursige ko sa bawat proyektong ginagawa ko,” ani Vice.

“Hanggang ngayon, patuloy akong sinosorpresa ng Diyos sa bawat magandang bagay na nagaganap sa career ko. At naniniwala akong ito ay parehong blessing at challenge para sa akin na pagbutihin pa ang aking trabaho,” saad pa ni Vice.

WALANG INGGITAN AT SINUSUPORTAHAN SI ALEX

Samantala, nilinaw ni Vice ang usapin ukol sa natatakot siyang matalbugan ni Alex Gonzagakaya agad siyang nagpatawag ng presscon para sa kanyang concert. Nakatakdang mag-concert si Alex sa April 25 sa Araneta Coliseum din.

Aniya, magtutungo siya ng Amerika para sa kanyang US concert tour this April kaya napaaga ang presscon.

“Kung sino man ang nakaisip ng insecurity issue namin ni Alex Gonzaga ay isang hunghang.

“Hindi naman po kasi ako ang nag-schedule rin nito, unang-una. At pangalawa, aalis po kasi ako papunta ng America.

“At maganda siguro na habang nasa America ako ay may ingay na nangyayari tungkol sa concert ko, para hindi naman mahinto ang promotion ng concert ko,” paliwanag pa ni Vice.

Aminado naman si Vice na may kaba pa rin siyang nararamdaman bagamat tatlong beses naging sold-out ang mga nakaraang concert sa Araneta.

“Hindi naman natin alam kung mapupuno o may tsansang hindi mapuno itong concert na ito. Kaya siyempre, kailangan promote tayo ng promote. And I do not see anything wrong with promoting very early.”

Sinabi pa ni Vice, walang basehan ang pagkakaroon ng kompetisyon o inggitan sa kanila ni Alex. Katunayan, full support ang ibinibigay niya sa nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Aniya, ”Eh, isa po ako sa unang sumusuporta kay Alex Gonzaga. In fact, nagpo-promote po siya sa mga programa ko. Kaya kung may issue kami, eh, ‘di hindi sana siya nakakapag-promote sa mga programa ko.

“Welcome na welcome siya sa mga show ko na ipinu-promote mismo namin. At kahit hindi niya alam, ako mismo ipino-promote ko ‘yung programa niya. At tumutulong ako sa kanya na magbigay ng inputs para sa concert niya,” paglilinaw pa ni Vice.

At para patunayang sinusuportahan niya si Alex, ang original composition niyang, E di Wow!ay ginamit na theme song sa bagong teleserye ni Alex sa ABS-CBN, ang Inday Bote.

Iginiit pa ni Vice na wala silang issue ni Alex at sila’y matalik na magkaibigan. Kaya umaasa siyang iyon na ang una at huling pagsasalita niya ukol sa usaping ito.

STAGE SA GITNA NG BIG DOME AT HIGH TECH EFFECTS, IPANGGUGULAT

Sa kabilang banda, gugulatin daw ni Vice ang audience sa stage nila na nakapuwesto sa gitna ng Big Dome at sa special at high-tech concert effects. ”Ang show naming ay hindi basta SPG (strict parental guidance) SSSSSPG pa siya.”

Matatandaang taong 2013 ang huling concert na ginawa ni Vice na itinuturing na highest-earning staged by a local artist for 2013, ang I-Vice Ganda Mo ‘Ko sa Araneta. Nauna rito ang dalawang concert na nag-hit din, ang The Unkabogable Concert noong 2011 at ang May Nag-Text…Yung Totoo: Vice Ganda sa Araneta! Noong 2010 naman.

Ang Vice Gandang-Ganda Sa Sarili sa Araneta: Eh di Wow! ay mula sa produksiyon ng Star Events at ABS-CBN Events, na ididirehe ni Paul Basinilio, TV direction ni Bobet Vidanes, at musical direction ni Marvin Querido. Mabibili nag tiket sa Ticketnet outlets at sa Araneta Coliseum Box Office.

 

ni Maricris Valdez Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *