Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Valerie Concepcion ordinary lawyer ba o gov’t official ang totoong papa?

032015 Valerie Concepcion

00 vongga chika peterNALILITO raw ang isang reader sa mga nasusulat tungkol sa boyfriend ngayon ni Valerie Concepcion na una ng naging laman ng blind item namin dito sa “Vonggang Chika.”

Isa umanong opisyal sa Bureau of Immigration ang boyfriend ng sexy actress. Ang impormasyong ito ay naibulong sa amin ng matinik naming informant na never kaming ipinahamak o kinoryente kahit kailan.

Pero base sa bagong panayam kay Valerie ay isang ordinary lawyer ang inaamin niyang karelasyon ngayon at niyaya na raw siyang pakasal nito.

Wala naman tayong paki kung abogado nga ang papa ng aktres pero sino ‘yung sinasabing ka-on din niyang government official ay pamilyadong tao raw kaya’t lumalabas na other woman lang ang papel ni Valerie sa guy na very generous sa kanya.

Aba’y kung boyfriend nga niya ‘yung ‘ordinary’ lawyer tapos may benefactor pa siyang government official, huwag sabihing namamangka sa dalawang ilog ang dalagang ina.

Puwera na lang kung ‘yung abogado at Immigration officer ay iisang tao ‘di ba?

Well sana para huwag nang maging clueless ang lahat ay sabihin na ni Valerie kung sino ba talaga ang Papa niya.

The who kasi gyud!

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …