KINAILANGAN nang tawagin ng artist department ng isang TV network ang atensiyon ng isang sikat na aktor tungkol sa kanyang mga sexual indiscretions.
Okey lang sana kung sa artistang babae natsitsismis ang aktor na ‘yon, dagdag-puntos pa nga ‘yon sa kanyang machismo. Pero para matsismis siya sa isangguwapong cameraman was a different story that ran counter to his macho image.
Ayon sa kumalat na tsika, ilang buwan din daw karelasyon ng aktor ang cameraman until nabuko ng pamunuan ng artist department, kiss-and-tell din kasi ang cameraman na proud na nadagit ng sikat na aktor na itago na lang natin sa alyas na Paulo Pastrana.