INANUNSIYO kamakailan ni Kris Aquino na gagawin niya ang pelikulang Etiquette of A Mistress na ididirehe ni Chito Rono. Kaliwa’t kanan agad ang negative comments sa kanya rito dahil ibabalik daw ba niya ang nakaraang minsang naging kabit siya ni rating Panaraque City Mayor Joey Marquez?
Alam naman daw ng lahat na hindi naging maganda ang paghihiwalay nila noon at lumantad pa siya sa telebisyon para amining nagkaroon siya ng sakit na STD na nakuha niya noong karelasyon si Tsong Joey.
Tinanong namin si Kris tungkol dito at may paliwanag siya. ”I accepted for one (1) reason-because of Chito Rono. And I believe the past will give me a very clear perspective on how to portray the character, ‘ika nga ng song, ‘I’ve looked at love from Both Sides Now, from give and take and still somehow, it’s love’s illusions I recall. I really don’t know love at all.’ Di ba, I’ve been on both sides of the fence?
“Reg, it’s been 12 (twelve) years-everybody has moved on. Ikinasal, nagka-baby, and na-annul na nga ako. And as I said, anything for Direk Chito, 100% TRUST,”pangangatwiran sa amin ng TV host/actress.
As of now, wala pang playdate ang Etiquette of A Mistress dahil inaayos pa raw.
ni Reggee Bonoan