PERFECT ang description ni Dennis Evangelista sa kanyang talent na si Allen Dizon nang sabihin ng una na hindi mapigil ang winning streak ng magaling na aktor sa paghakot ng Best Actor award.
Nag-text sa amin si Dennis nang natanggap niya ang balitang nanalo na naman si Allen ng Best Actor.
“The winning streak of Allen Dizon is unstoppable. Last Saturday, he as adjudged Best Actor unexpectedly at 1st Sinag Maynila Film Festival for his performance in Lawrence Fajardo’s Imbisibol, I got this great news that Allen Dizon bagged Best Actor at the recently concluded 3rd Silk Road Film Festival held in Dublin, Ireland for his performance in Jason Paul Laxamana’s Magkakabaung (The Coffin Maker),” saad ni Dennis sa amin via text.
Bale, back to back Best Actor awards ito ni Allen.
Ayon pa sa text sa amin ni Dennis, “This movie was also named Best Film in the said film festival. This is Dizon’s third Best Actor Award. Last July 2014 at Harlem International Film Festival, followed by 3rd Hanoi Int’l. Film Festival last October.”
Bukod sa tatlong International Best Actor award ni Allen, nanalo rin siyang Best Actor sa nakaraang MMFF New Wave Category, 13th Gawad Tanglaw, at sa 17th Pasado Awards.
Kaya masasabi natin na nagmarka talaga nang husto ang galing ni Allen sa pelikulang Magkakabaung. Mula sa mga pa-sexy roles nang nagsisimula pa lang si Allen, sa pag-entra niya sa indie scene ay nahasa nang husto ang talento niya sa pag-arte. Patunay ito ng mga acting awards na hinahakot niya ngayon.
Sa Magkakabaung, gumanap si Allen bilang tagagawa ng kabaung o ataul na aksidenteng napatay ang sariling anak nang napaninom niya ito ng maling gamot. Dahil sa hirap ng buhay ay hindi niya matustusan ang gastos sa pagpapalibing dito, kaya nagpasya siyang gumawa ng marahas na hakbang para sa mahal na anak.
Ang next project ni Allen para sa BG Productions ni Ms. Baby Go ay ang pelikulang Daluyong. Ang role niya rito ay isang pari na may naanakang girlfriend at ayon kay Allen, isa ito sa pinaka-challenging na role na kanyang gagampanan.
Reunion movie rin ito nina Allen, Direk Mel Chionglo at ng batikang manunulat na si Ricky Lee. Bukod kay Allen, tampok din dito sina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Ricky Davao, at Diana Zubiri.
ni Nonie V. Nicasio