KAPANSIN-PANSIN na laman ngayon ng mga bar itong si Divine Lee. Halos ilang gabi nang napagkikita si Divine na nakikipag-inuman kasa-kasama ang mga beki friend.
Ayon sa tsika, madalas daw ang pag-inom-inom ni Divine at pagrampa sa bar dahil hiwalay na ito kay Victor Basa. Kaya naman ang drama nito’y karay-karay ang mga friendship na beki dahil ayaw daw mag-isa at lalong nalulungkot.
Imagine nga naman, almost three years din ang relasyon nila at nagsasama sa iisang bubong kaya malaking kawalan nga naman kung biglang magkakahiwalay sila.
Kaya siguro para maibsan ang sama ng loob, sa alak ibinubuhos ni Divine.
May pagkakataon pa kayang magkabati ang dalawa? ‘Yan ang ating aabangan.
ni Maricris Valdez Nicasio