Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, nagpi-primadona na raw ‘di pa man nag-uumpisa ang seryeng sasalangan

ni Ronnie Carrasco III

021615 AIAI delas alas

PAGKATAPOS ng Genesis at Ang Dalawang Mrs. Real na parehong May-December affair-themed comes another GMA dramaserye na may ganito ring paksa, ang Let The Love Begin.

The latter is supposedly the launching pad ng binubuhay na muling TV career niAi Ai de las Alas—hindi sa pamamagitan ng isang comedy show o sitcom o anupamang behikulo na puwedeng pakinabangan what’s left of her comedic talent—kundi via a serious soap.

Ewan nga lang kung anong challenge mayroon ang kanyang papel bilang dyowa ng homegrown talent na si Ruru Madrid (kasama rin doon si Regine Velasquez, bilang ano?) considering na ang mismong tema ay isinasabuhay na ni Ai Ai with her real-lefe dyowa Gerard Sibayan.

Peanuts o maning-mani lang ‘yon sa hitad, no amount of acting required kaya naman hindi ito maituturing na piece de resistance ni Ai Ai based on her string of past romantic liaisons sa mga bagets na sumususo pa sa dede ng kanilang mga nanay.

Tiyak ding paglalaruan ang pamagat ng kanyang soap na Let The Love Begin. Oo nga naman, after showering her boylet with every imaginable thing in this material world—sabi nga ni Madonna—aba, love should begin, pero hindi nga lang puwersahan.

Dinig namin, na kay Ai Ai na raw ang paunang script ng soap. Kaso, there are portions na pinalagan niya roon at gustong ipa-revise, ganoon?

Having heard about Ai Ai’s quirky demands, hindi pa man nagsisimula ang taping ng kanyang soap, ay marami na ang nagtaas ng kilay. ”Mag-prima donna ba agad?! At saka na siya mag-emote kapag bongga ang pilot episode ng show niya, ‘no!”

In this competitive world, ang bottomline pa rin ay ang twin victory ng isang programa, both in ratings and in revenues.

It’s not either-or, kundi pareho.

But since hindi pa man umeere ang soap ni Ai Ai, we’re giving her the benefit of the doubt. Hindi nga lang namin maiwasang isipin ang dahilan ng paglayas niya sa bakuran ng ABS-CBN/Star Cinema all because masyadong na-hype ang kanyang pakikipagrelasyon kay Gerald kaya way below expectations tuloy ang kinita ng movie niya with Kim Chiu at Xian Lim.

Here comes a TV project na for sure, mas pag-uusapan uli ang kanyang lovelife with a guy young enough to be her son.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …