KA-CHAT namin kahapon si Ronnie Liang sa Facebook at binanggit niyang nasa Hongkong daw siya para sa 39th Hongkong Film Festival para sa unang pelikula niyang Estorika Maynila na idinirehe ni Elwood Perez mula sa TREX Productions.
Ibang saya raw ang nararamdaman niya kasi nga naman unang beses lang siyang naimbita sa isang film festival na kasama ang pelikula niya considering na first movie niya ito.
Isa pang kuwento ni Ronnie ay kasama siya sa musical play na Bituing Walang Ningning na hango sa pelikula nina Sharon Cuneta at Cherie Gil na ipalalabas Resorts World sa Hunyo.
Say ni Ronnie, ”First time ko po magtatanghal sa musical play iba at bagong mundo po ito sa akin ito raw po ay pinaghalong kanta at pag-arte ng live sa stage at kailangang mas malalaking galaw at mas malakas na boses sa pag-arte o pagsasalita dahil ganoon daw sa stage play para marinig at maintindihan ka ng mga tagapanood mo.
“Nagpapasalamat po ako sa manager ko kina Boss Vic, (del Rosario), Boss Vincent (del Rosario) at ma’am Veronique (del Rosario-Corpus) sa pagbibigay ng project sa akin sa suporta nila sa career ko at pagtitiwala nila sa aking kakayahan.”
Samantala, muli siyang kasama ni Sarah Geronimo sa show sa Abril 24 na gaganapin sa Mindoro na Perfect 10.
In fairness, maski hindi maingay ang career ni Ronnie ay bisi-bisihan naman pala siya.
ni Reggee Bonoan