KUNG may mga celebrity na pumapatol sa very influential producer, kapalit ng pag-shine ng kanilang showbiz career mayroon din palang malakas ang loob na tumatanggi sa magandang alok ng tinutukoy nating produ na kilala sa pagiging chickboy.
Yes isang beauty queen daw na kapapanalo lang sa isang sikat na beauty pageant na may ambisyong mag-artista pero umatras dahil ayaw niyang madungisan ng producer ang kanyang pagkababae.
‘Yan raw kasi ang alok ng popular na produ, na bibigyan siya ng malalaki at magagandang project pero dapat ay may chorvahan na magaganap muna sa pagitan nilang dalawa.
Kaysa maka-offend ay hindi na lang daw bumalik sa opisina ni said producer ang beauty queen titlist na bida sa ating blind item (BI) today.
In fairness sa bigtime produ, kapag tinatanggihan siya ay ‘di siya namimilit at iginagalang niya ang girl na tumatanggi sa kanya.
Nothing is serious with him lalo’t alam niyang magbe-benefit naman ang mga papatol sa kanyang very tempting offer.
‘Yun naman pala gyud!
ni Peter Ledesma