Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alex, cause of delay daw sa taping ng Inday Bote

032015 alex gonzaga

00 fact sheet reggeeMAY balitang nade-delay daw ang taping ng Inday Bote dahil kay Alex Gonzagadahil nga busy ito sa nalalapit niyang The Unexpected Concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Abril 25 ngayong taon.

Tsika pa sa amin na nagkakaroon daw ng problema ang production team dahil kay Alex kaya pawang mga wala siya sa eksena ang kinukunan.

Inalam namin ito sa taga-Dreamscape Entertainment.

“Alam mo, nakakaawa naman si Alex, puro nega na lang ang nasusulat sa kanya, unang isyu, kesyo may humaharang daw sa promo guesting niya, eH, sino naman ang haharang?

“Pangalawang isyu, heto, cause of delay naman daw, ano ‘yan, hindi naman totoo ‘yun?

“Actually, nagtanong nga sa amin si direk Lauren (Dyogi) kung nagpaalam daw sina Alex at Mommy Pinty (Gonzaga) kasi nga baka manghingi ng mga araw for rehearsals, sabi namin wala naman, okay naman ang schedule, walang nasasagasaan, in fact kami pa nga ang may utang na tatlong linggo kay Alex kasi hindi pa namin nagagamit.

“Hindi nanghihingi ng araw si Mommy Pinty, kung may hihingiin siya, may ipapalit ding ibang araw. Hindi pa nga namin nagagamit ‘yung mga araw kasi na-extend kami sa mga batang kinukunan.

“Kita mo nga, hindi pa nga siya (Alex) lumalabas kaya hindi totoong cause of delay siya,” paliwanag mabuti sa amin ng taga-Dreamscape Entertainment.

Nabanggit pa ng taga-Dreamscape na hindi raw nakatutulong sa aktres ang mga negatibong write-ups kaya kung sinuman daw ang gumagawa nito ay tigilan na.

“Oo kasi kawawa naman, may concert baka hindi bilhin ang tickets sa mga nababasa nila, ‘wag naman ganoon,” paliwanag sa amin.

Ano ba kasi ang dahilan bakit kailangang i-nega si Alex, ”siguro pa-under dog para maraming maawa na inaapi, posibleng ganoon ang strategy ng promo na hindi maganda,” opinyon ng kausap namin.

At ang sinasabing hinaharang ang guesting ni Alex para sa promo ng Unexpectedconcert niya ay hindi raw totoo dahil nag-guest nga raw siya sa ASAP at GGVnoong Linggo.

“Hindi naman puwedeng isang buwan pa bago ang show, eh, magpo-promote na siya, siyempre unahin muna niya ang serye at ‘yung album niya.

“Kumbaga nauna ‘yung mga ‘yun, so isusunod ‘yung show niya, probably mga two weeks before the show ‘yun,”pangangatwiran sa amin.

Tinanong kami ng aming kausap kung sino raw ba ang humaharang sa promo ni Alex para sa concert niya na hindi naman namin alam dahil unang-una, mayroon nga ba?

ni Reggee Bonoan

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …