ni Alex Brosas
NAKAKALOKA itong si Melissa Mendez, ang hilig mag-selfie kaya naman napahamak.
Inamin ni Melissa sa interview na gusto n’yang kunan ang ulap while on board an airplane. Kaso wala siya sa window seat kaya naman nakiusap siya sa isang guy kung puwedeng makiupo sa seat nito. Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa hanggang masampal ni Melissa ang guy. Sinabihan kasi siyang mabaho ang hininga ang she felt insulted kaya nasampal niya ito.
Humihingi ng tulong itong si Melissa sa Gabriela. Siya na ang nanampal pero siya pa ang nagpapasaklolo sa naturang organization. Siya na nga itong nanakit ay siya pa ang may ganang humingi ng tulong, nakakaloka, ha.
Anyway, ang latest ay pinagpa-public apology ng guy si Melissa at sinabihang magsabi ng totoo sa media. Kapag ginawa niya ito ay hindi na siya sasampahan ng kaso.
Nasa aktres na kung gagawin niya ang request ng guy na sinampal niya. Kung hindi, naku, maghanda siya sa battery of cases na ikakasa laban sa kanya.