Tuesday , December 24 2024

Coco, nahirapan sa pag-i-Ingles

ni Alex Datu

101014 coco martin

NAKAHAHANGA ang pag-amin ni Coco Martin na kulang na lang ay sabihing ‘bobo’ siya dahil hindi siya magaling sa English. May mga eksena siya sa latest offering ng Star Cinema, ang katambal niya for the first time si Toni Gonzaga na kailangang mag-deliver ng English line. Inamin nito na hirap na hirap siya and to prove, naka-take 5 hangang 6 siya dahil sobrang bago sa kanya ang genre na ito.

Gayunman, malaki ang pagsasalamat niya kay Toni sa pagga-guide sa kanya ng correct pronounciation ng English language. And would you believe, sa isang eksena na dahil sa haba ng script, nasa likod si Toni habang ikino-nagko-coach siya.

Sa puntong iyon, lalo siyang humanga sa aktres dahil sa pagiging matulungin at inaming nahiya siya dahil baka husgahan siya sa kanyang pagkakamali sa delivery ng linya.

In fairness, sa ilang araw nilang magkatrabaho ay nakagaanang-loob niya agad ang aktres. Kaya naman para maipakita ang appreciation, agad itong pumayag maghubad ng damit sa isang eksena at tanging brief lamang ang natira.

Ang eksena ay kailangang magpalit ng damit ni Coco habang nasa loob sila ni Toni sa kotse. Perfectionist ang karakter dito ng aktres at dahil hindi nito na-tripan ang bulaklaking damit ni Coco ay binilhan niya ito ng mga damit.

May mga nagtatanong kung swak ang aktor sa komedi dahil alam naman na siya ang tinaguriang Drama Prince ng Dos at inamin naman nito na medyo nangapa siya sa simula pero dahil sa tulong na rin ng mga kasamahan sa production ay naging madali na sa kanya ang magpatawa.

Aniya, ”Ang laki ng natutuhan ko kay Toni, para akong nag-aaral ngayon dahil hindi ko forte ang comedy. Talagang igina-guide nila ako, inaalalayan nila ako kaya naging thankful po ako sa kanya. Masarap kasi ‘yung sa pag-uwi ay nakangiti ako dahil may nagawa akong tama. Kaya this time, masusubukan na ako naman ‘yung magpapangiti sa tao. Rati ako ‘yung laging nagpapaiyak pero ngayon naman, papatawanin ko naman sila.”

 Inner Voices, bagong grupong mamahalin

Taong 1992 nang mabuo ang Inner Voices na mula sa magkakaklase sa Letran College. Nagsimula ito sa katuwaan lamang na nagre-record ng demo of original songs. Naging daan ito para maging aktibo sila sa band scene tulad ng kanilang mga gig sa Arts Venue, Kampo, South Stage-Cainta, Top 40-Caloocan to name a few.

Noong 1998, tumutok muna sila sa pag-aaral at nagbalik-eksena noong 2013 na may kanya-kanya na silang trabaho. Muli nilang ini-record ang kanilang mga lumang kanta at naka-post ito sa Facebook. Nagulat sila nang more than 700 likes/shares ang nakuha nito kaya muli nila itong ini-record under the supervision of Vehnee Saturno na siyang nagdala ng kanilang album sa Universal Records at presto, natanggap ito!

Isinilang ang bagong album, ang I. V. Inner Voices with carrier song, Find A Way. Naglalaman ito ng kanilang komposisyon, tulad ni Boying para sa awiting Hayaan, Find A Way, Paano, Please Say, Angel In My Dreams, at Sige Lang. Ang komposisyon naman ni Nants ay angShining Armor at Buti Pa Sila. Sa mga naghahanap ng mga magagandang awitin ng 90’s, sila ang kasagutan at sa Primos Lounge & Cuisine, Greenfileds sila matatagpuan at maririnig tuwing Biyernes ng gabi, malapit sa Crossing Pasig.

 

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *