NAGING internet sensation ang isang 48-anyos lalaki na nag-senyas ng mga awitin para sa deaf people sa ginanap na finals sa paligsahan sa pag-awit ng Eurovision sa Sweden.
Ang pagsayaw at pagsenyas ni Tommy Krangh kasabay ng pag-awit ng mga kalahok, ay naging malaking hit sa social media, at milyon-milyon na ang nanood ng video sa Facebook at YouTube.
Bunsod ng kanyang animated sign renditions ng finalists’ songs, tinawagan siya para makilahok sa Eurovision grand final sa Vienna sa Mayo.
“My world has been turned upside down,” pahayag niya sa The Guardian. “I am thrilled and happy; there has been so much love from the internet.”
Sinabi ni Mr. Krangh, na walang formal training bilang ‘signer,’ limang linggo siyang sumailalim sa matinding pagsasanay para sa nasabing paligsahan, na ini-ere ng Swedish broadcaster SVT.
“I am always all in. I want to give the whole experience of the music. I have to give my whole body,” aniya.
“When I get on the stage the music is pumping and I lose myself. I don’t know what’s happening.
“I am totally lost in the moment – but somehow I still know what exactly I am doing.” (ORANGE QUIRKY NEWS)