Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Willie, mapapanood na sa WowoWin sa GMA7

 ni Roldan Castro

032315 willie

HAPPY na naman ang mga lola’t lolo at mga naghihintay sa pagbabalik ni Willie Revillame sa telebisyon. Finally ay pumirma na siya ng kontrata sa pamunuan ng GMA 7. Blocktimer si Wil kaya nasa kanya ang desisyon kung sinong kukuning co-host. Kunin pa kaya niya si Mariel Rodriguez? Sinong Kapuso artist ang kukunin niya?

Basta ang sure, maraming bago na makikita kay Kuya Wil at nakapag-ipon siya ng maraming ideas na ibibigay sa mga avid viewer niya.

After ng isang taong pamamahinga , muli siyang mapapanood sa game show na WowoWin, na tuloy ang ligaya sa pamimigay ng milyon-milyong piso, house and lot at mga sasakyan at iba pang pangkabuhayan.

“Una sa lahat, mahalaga ‘yung importansiya para sa mga kababayan nating kapuspalad. Ang programang ito ay ‘WowoWin.’ Sila ang winner dito. Doble ang saya. Importante sa programa ay nagsasayaw kayo, kumakanta kayo, nakikita mo na nagsasaya ang lahat, at nagbibigay ka ng mga papremyo na hindi basta-basta,” deklara niya.

Mayroon daw siyang segment na Bigyan ng Jacket ‘Yan at babalik ang Willie of Fortunesegment na magkakaroon ng pagkakataon ang mga kalahok na magbahagi ng kuwento ng kanilang buhay.

Mapapanood ang WowoWin every Sunday pero umaasa rin siya na magiging daily ito bago mag-primetime. Makakasama ni Kuya Wil si Randy Santiago bilang director.

Maligayang pagbabalik Kuya Wil. Na-miss ka namin!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …