Tuesday , December 24 2024

Sharon Cuneta ‘di nag-eendorso nang hindi ginagamit ang produkto (Kaya credible at highest paid celebrity endorser pa rin)

032315 Sharon Gary Jed

00 vongga chika peterMATAGAL na panahong naging hawak ni Sharon Cuneta ang titulong “Commercial Queen.” Sa ilang dekada ng pagiging celebrity endorser ni Shawie ay may mga produkto na siyang tinanggihan na i-promote sa publiko. Ayaw kasi ng nagbabalik-showbiz na megastar na mag-endorso ng isang produkto na hindi naman niya totoong ginagamit.

Ito ang tahasang inamin ng nanay-nanayan naming singer/actress sa showbiz sa eksklusibong panayam sa kanya ni Mario Dumaual para sa season premiere ng “Biyaheng Retro”na ipinalabas na last Sunday, sa Jeepney TV.

“Ever since, alam nila ‘yan, lalo na ‘yung mga nag-offer sa akin ng super laki, minsan dobleng fee,” Although hesitant siya sa bagay na ito at kung direkta ba niyang sasabihin sa company na hindi niya pina-patronize ang kanilang product at kung bakit siya tumatanggi. “Ang pinaka problema ko is kung paano sasabihin na, ‘I’m so sorry but I don’t use the product.’ Kasi feeling ko, binobola ko ‘yung audience ko, ‘yung fans ko na sumusuporta,” sey ng aktres.

By the way some would think it unwise to turn down lucrative endorsement deals, Cuneta who has been in showbiz for over 37 years, has earned the luxury of choice, especially with numerous offers on the table. “Of course, it’s a business, but I was very fortunate, I was blessed to be in the position to decline kasi marami namang iba na talagang ginagamit o gusto mong gamitin,” aniya. “I was like that and I still am, and they know that very well.”

The 49-year-old actress, who recently formalized her return to ABS-CBN, is one of the top celebrity endorsers in the Philippines. Among the products or services she has endorsed are a fast-food chain, an ice cream brand, a soda brand, a ferry line, a telecom giant, feminine wash, a brand of instant noodles, canned milk, and food supplements.

Cuneta added: “Anything I put my stamp on, anything I attach my name to had to be worth my while and my fans’ money and support. Nakakahiya naman kung hindi ‘di ba?”

May point si mega gyud. Mapanonood tuwing Sabado at Linggo ng gabi si Sharon bilang jury sa “Your Face Sounds Familiar” kasama sina Gary Valenciano at Jed Madela na number one ngayon sa kanyang timeslot.

032315 InstaDad

INSTADAD MAGHAHATID NG KASIYAHAN SA KAPUSO VIWERS, MAGSISIMULA NA NGAYONG ABRIL 5

Sa panahon ngayon, nahihilig ang mga tao sa mga instant na bagay. Sino nga ba ang hindi mahuhumaling dito kung ginagawa naman nitong madali at komportable ang pamumuhay ng mga tao?

Pero paano kung ang instant na bagay na dumating sa buhay mo ay ang pinaka-hindi mo inaasahan sa lahat? Paano kung hindi ka pa handa para harapin ito? Paano mo ito aakuin at pananagutan?

Simula ngayong Abril 5, isa na namang family-friendly na drama series ang ihahandog ng GMA Network na siguradong kokompleto sa bawat Linggo ng mga Kapusong manonood, ang InstaDAD. Pagbibidahan ito ng multitalented aktor ng Kapuso Network na si Gabby Eigenmann. Hango ang InstaDAD sa kwento ni Kenneth (Gabby), isa sa mga hottest ba-

chelors ng Manila na kilala rin sa pagiging chef. Maraming nagkakandarapang babae sa kanya pero nananatili pa rin siyang single dahil sa pagka-trauma niya matapos maudlot ang relasyon niya sa kanyang first love na si Des. Isang araw, biglang nabaligtad ang mundo ni Ken nang malaman niyang ama siya ng triplet na babae na sina Marikit (Gabbi Garcia), boyish, adventurous at athletic na sobrang protective sa kanyang mga kapatid; Mayumi (Ash Ortega), ang pinakamatanda sa tatlo, matalino at mahinhin kagaya ng kanyang nasirang ina na si Des; Maaya (Jazz Ocampo), ang pinakakikay at fashionista sa kanilang tatlo. Bukod sa hindi alam ni Ken kung paano aakuin ang mga responsibilidad ng pagiging isang ama, mas lalo pa siyang mahihirapan kung paano niya pakikitunguhan ang iba’t ibang personalidad ng kanyang mga anak. Samantala, maninibago rin ang triplet sa kanilang magiging buhay sa pagdating ng kanilang ama na magiging sanhi ng iba’t ibang teenage issues para sa kanila. Makakasama rin sa InstaDAD sina Matet de Leon bilang Gracia, ang kapatid ni Des at tiya ng triplets; Juancho Triviño bilang Dwight, ang boyfriend ni Mayumi na isang varsity player; Prince Villanueva bilang Ikot, ang musically-inclined, hopeless romantic na binata na may lihim na pagtingin kay Mayumi. Ang InstaDAD ay isang napapanahong programang tatalakay sa iba’t ibang isyung pampamilya na tiyak na susubok sa pagiging ama ni Ken.

Paano kaya didiskartehan ni Ken ang pagiging ama sa kanyang triplet? Sa ilalim ng direksyon ni Neal del Rosario, mapapanood ang InstaDad simula Abril 5 pagkatapos ng Sunday All Stars.

 

ni Peter Ledesma

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *