Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marc Cubales, nami-miss na ang showbiz at politika!

032315 Marc Cubales

00 Alam mo na NonieNAKAHUNTAHAN namin recently si March Cubales at aminado siyang nami-miss na niya ang mundo ng showbiz, pati na ang politika!

Although hindi sure ni Marc kung gusto niyang magbalik-showbiz. Pero ayon sa kanya, nakaramdam daw siya ng kakaibang excitement nang dumalo siya sa nakaraang 31st Star Awards for Movies ng PMMC.

“Nag-enjoy ako sa Star Awards ng PMPC. Parang feeling ko tuloy, na-miss ko ang showbiz at na-miss ko rin ang mga kaibigan ko from the entertainment press,” pahayag ni Marc.

Si Marc ay dating model na lumaki sa Manchester, United Kingdom. Sa murang edad na thirteen, naranasan na niyang maging modelo.

Sa ngayon, mas aktibo ulit si Marc sa mga showbiz gatherings. Kamakailan ay isa siya sa naging producer sa Hataw Superbodies 2015 (D Next Level).

May nagbulong din sa amin na posibleng pumasok ulit si Marc sa politika. Kilala rin kasi si Marc bilang pilantropo at maraming natulungan, hindi lang sa kanyang mga kababayan sa Montalban, Rodriguez Rizal, kundi maging sa ibang lugar.

Kumandidato siyang Konsehal sa kanyang bayan sa Montalban noong 2010, subalit hindi pinalad. Sa darating na 2016, posibleng kumandidato ulit si Marc bilang Konsehal sa naturang bayan.

Goodluck sa iyo Marc at sa lahat ng projects na papasukin at gagawin mo.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …