Sunday , December 22 2024

May kumita ba sa CAAP upgrading ng emergency services unit?

CAAP firefighting trucksTILA namumula na naman ‘daw’ ang hasang ng ilang opisyales ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) makaraang matuloy ang sinasabing upgrading ng Emergency Services Unit ng nasabing government agency.

Sa impormasyong nakalap ng inyong Bulabog boys, bilyon ang halaga ng brand new fire-fighting vehicles gaya ng high-speed fire trucks na sinuri sa Port of Batangas over the weekend.

Kaya naman pala abot tenga ang ngisi ng mga miyembro ng ‘KOMITA’ ‘este komite na nasa likod ng successful purchase of highly expensive fire fighting vehicles na inangkat pa mula sa Wisconsin based company na Oshkosh Corp ng ‘Tate.

Sa ginawang praise ‘este press release na ‘nilahukan’ ng katakot-takot na pampapoging pahayag na pinangungunahan nina CAAP chief of Staff and Deputy Director General for Administration OIC Gen. Artemio Orozco at Col. Rey Avilla, CAAP Executive Assistant, ang pagkakabili sa 41 units ng custom-built ARFFs ay idinaan sa competitive bidding.

Oww really!?

Ang 4 units ng 6×6 trucks with 12,000-liters water capacity at 37 units ng 4×4 with 6,000 liters capacity ay may kabuuang halaga na P1.3 billion.

Wowowee! Tweet! Tweet!

Buong pagmamalaki pang inihayag nina Orozco at Avilla na ang 41 units ng high tech fire trucks ay nagtataglay ng 8 sets of banker suits, forcible tools tulad ng circular saw, ax, cutting tools, 75 kls vaults generator sets at self-contained breathing apparatus (SCBA) at dalawang spare tires na may maximum speed na 113 km/hr.

Sinabi ng dalawang opisyal, na sobrang luma na umano ang ginagamit na 86 fire trucks na nabili ng CAAP noon pang 1970 at 1980. 

Kaya naman para maitaas ang kalidad ng Airport Rescue Fire Fighting (ARFF), tinugon ng CAAP ang hinihiling ng International Civil Authority Organization (ICAO), Federal Aviation Administration (FAA) at European Union international standards for aircraft and rescue fighting requirements.

Nakatakda na umano ang distribution process ng mga nabanggit na sasakyang pamatay-sunog sa major commercial airports ng bansa tulad sa Palawan, Kalibo, Iloilo, Davao, Laoag at Bacolod, habang ang mga luma ngunit magagamit pang fire trucks ay dadalhin CAAP run airports.

Ang tanong: Lahat kaya sila sa CAAP ay HAPPY, Mr. Eric Apolonio, CAAP spokesman?

He-he-he…

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *