SI Ms. Nora Aunor ngayon ang tatanungin namin kung plano pa niyang humingi ng tulong kay Kris Aquino matapos niyang ipagsigawan sa rally na bumaba na sa puwesto bilang Presidente si Noynoy Aquino.
Maraming basher’s ngayon ang Superstar sa ginawa niyang paghikayat sa mamamayang Filipino na pababain sa puwesto si PNoy na hindi man lang daw naisip na tutulungan siya ng kapatid nito.
Kaya tinanong namin si Kris kung itutuloy pa niya ang pagtulong kay Ate Guy matapos ang ginawa nito.
“Maybe the question should be, ‘will she still ask me for the plane ticket to the US?’
“With me, I made a promise and I’m always true to my word. But would she still ask? ‘Di ba most people delicadeza would prevent them from still accepting?”
Ikaw Ateng Maricris, ano sa palagay mong sagot ni Ate Guy?
ni Reggee Bonoan