ni Roldan Castro
DAPAT ay lakasan ni Mariel Rodriguez ang kanyang loob dahil sa pagkakalaglag ng baby nila ni Robin Padilla. Napapabalitang dumaraan siya sa depresyon at hindi magaan sa kanya ang nangyari.
Pinangangambahan na baka magaya siya kay Rita Avila na nahirapan bago naka-move-on.
Ayaw namang barilin ni Binoe ang trip ng asawa kahit sinasabi na ng doctor na alisin ang fetus sa tiyan niya. Naniniwala si Mariel na baka may milagro pang mangyari kaya hindi niya pinapaalis.
“Sabi nga niya hangga’t hindi siya dinudugo ng normal, hindi niya aalisin. Sabi ko nga ‘baka delikado nga ‘yan kasi may patay sa loob mo.’ Hindi naman daw sabi rin naman ng doktor, natural naman daw na lalabas ‘yan,” bulalas ni Binoe sa isang panayam.
Samantala, isa pang nalaglag ang ipinagbubuntis ay ang dating Sexbomb na si Jopay Paguia. Dalawang buwan at kalahati ang ipinagbubuntis at magiging panganay sana nila ng asawa niyang si Joshua.