ni Pilar Mateo
TANTANAN na!
Sa ibang paraan nagawa ang pag-iwas sa sari-sari pang magiging tanong kay Toni Gonzaga sa insidente ng pagiging host niya sa katatapos na Bb. Pilipinas Beauty Pageant, na batikos ang inabot niya sa pag-crack niya ng jokes sa mga kandidatang mukhang nakatuwaan nga niya.
Ang paghingi na agad ng apology ni Toni sa mga statement niya ang naging pagbubukas ng press conference para sa movie nila ni Coco Martin na You’re My Boss under Star Cinema Productions.
Sorry nga raw sa mga taong hindi natuwa at naibigan ang in-instruct din lang naman daw sa kanyang task to ease nga the tension sa atmosphere ng nasabing event.
In a happy mood sila ng leading man niyang si Coco na malaki naman ang pasalamat kay Toni dahil sa pagtulong sa kanya lalo na sa pag-pronounce niya sa mga English words sa mga dialogue niya.
At aminado si Coco na may take 5 hanggang take 6 siya sa ilang eksena nila ni Toni kay direk Antoinette Jadaone.
Dagdag pa ni Coco, sa charm ni direk in handling him, nagawa nitong paghubarin siya down to his brief ng bagito sa paninging direktor pero kaliwa’t kanan naman na ang inaaning tagumpay in her body of works!
Coco’s trying a new genre sa pagpapatawa sa pagsabay niya sa timing ni Toni rito.
Will they hit if off?