Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Promo ng The Unexpected concert ni Alex, hinaharang?

032015 alex gonzaga

00 fact sheet reggeeTRUE ba itong narinig namin na hindi binibigyan ng schedule si Alex Gonzaga para sa promo ng The Unexpected Concert niya na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum ngayong Abril 25?

Hindi maipaliwanag sa amin masyado ng nagkuwento dahil may humaharang daw na hindi naman namin mawari kung sino at ano ang humaharang at bakit?

Heto ang tsika sa amin, ”hindi mo ba napapansin na kalagitnaan na ng Marso, hindi mo pa rin nakikitang nagpo-promote si Alex ng concert niya? Kasi hindi siya binibigyan ng guesting sa mga show.”

Napa-huh kami at biglang napaisip, oo nga, parang hindi pa nga namin napapanood si Alex na mag-promote ng concert niya sa The Buzz, Kris TV, Aquino and Abunda Tonight, ASAP 20, Showtime, at Gandang Gabi Vice o hindi lang namin napanood?

Di ba Ateng Maricris kadalasan kapag may upcoming show/concert/movie ay ngaragan ang promo? Paki-korek po kung may napanood kayo kasi nga baka nga ako lang ang hindi nakapanood.

O kaya walang time mag-promote si Alex ay dahil sobrang busy niya sa tapings ng serye niya kasi tanda namin, sabi ng business unit head ng programa na si Mr. Rondel Lindayag ay araw-araw ang taping nila ng nasabing fantaserye dahil sa sobrang hirap kunan ng mga duwende.

Nagtanong kami sa taga-ABS-CBN at nalaman naming may naka-schedule si Alex saASAP20 ang sabi sa amin, ”this Sunday (March 22) may mga kasamang Star Magic Full Circle sa production number ni Alex, kaya ito na rin ‘yun. Tapos naka-schedule siya ng April 12.”

So, mayroon naman palang promo, eh, sino ba nagpapakalat na hinaharang?

Dagdag sabi pa sa amin ng taga-Dos, ”wala naman talaga, ang schedule ng promo ng concert/movie ay nagaganap two Sundays before the event, hindi naman puwedeng two months ahead or every Sunday.”

Sabi rin ng ibang staff ng mga nabanggit naming programa, ”usually po a week before the concsert, hindi puwedeng sobrang advance kasi makakalimutan ng tao.”

Anyway, mukhang maganda naman ang benta ng The Unexpected concert tickets ni Alex dahil bagong putahe raw at curious ang fans nila ni Toni kung ano ang gagawin niya.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …