Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paglaban ni Nora kay PNoy, pinapurihan

ni Alex Brosas

032015 pnoy nora aunor

NAINTERBYU ni Yanni Fernan ng Pinoy Weekly Online si Nora Aunor after her speech sa rally ng Migrante International sa Mendiola recently.

In the interview ay inamin ni Ate Guy na naging caregiver siya sa US.

“Walong taon po akong naging migrante. Naghirap din ako sa Amerika. Dumanas din po ako ng gutom at pang-aalipusta. Hindi rin po bago sa akin ang pagiging mahirap.

“Kaya mahal ko po ang mga migrante, at hindi lamang dahil sa isinabuhay ko si Flor Contemplacion sa pelikula. Naging caregiver din po ako, at minsan ay inalagaan ko pa po ng libre ang matanda at naghihirap nang si Sajid Khan, isang Indianong aktor, na naka-love team ko sa pelikula noong kami’y mga bata pa.

“Tapos, noong may boses pa po ako at nagkokonsiyerto sa iba’t ibang bansa, nalalantad ako sa katayuan ng mga kababayan natin doon. Kita rin naman po na sa kaso ni Flor Contemplacion, hindi niya daranasin ang kamatayan kung hindi nagpabaya ang ating gobyerno,” sabi ni Ate Guy sa interview.

Puro papuri ang inani ni ate Guy sa naturang interview.

“Truly the People’s National Artist! And now your advocacy is already beyond your Artistry…nationalistic na! We are proud of you our dear NA! You have our prayers and support you every way….yesterday, today, tomorrow and forever! I love you more Ate guy!”

“yan ang artist na palaban kung kinakailangan….tama ka ate guy ipaglaban mo ang karapatan mo na ibahagi ang nakakasukang pamumuno ng isang hindi karapatdapat na maging pangulo ng bansang piipinas….at sang-ayon ako sa ipinaglalaban mo.”

“Matatag, matapang, makabuluhan. A woman of courage, Nora Aunor!”

Oo nga. Sa hanay ng mga artista ngayon ay nag-iisa lang siya. Panay duwag ang mga celebrity na magpakita ng kanilang disgusto sa ating gobyerno. Si Ate Guy lang ang matapang na nagsasalita. Mabuhay ka, Ate Guy!!!

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …