Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Movie nina Gov Vi at Angel, nag-storycon na

032015 vilma angel xian

00 fact sheet reggeeMAY storycon ang pelikulang pagsasamahan nina Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Angel Locsin na ididirehe ni Joyce Bernal handog ng Star Cinema kahapon.

Makakasama nina ate Vi at Angel si Xian Lim sa pelikula bilang leading man ni Angel.

Kaagad kaming sinabihan ng aming kausap na hindi naman daw kay Xian nakatuon ang kuwento kundi kina Governor Vilma at Angel.

Matagal ng balita na magsasama nga sa pelikula ang dalawang babae sa buhay ni Luis Manzano at kung hindi kami nagkakamali ay ito ba ‘yung sobrang yaman ni Vilma at anak niya si Xian na nagkagusto kay Angel na hirap na hirap naman sa buhay?

Nabanggit na kasi sa amin ito noon pa, o baka naman ibang pelikula rin ‘yun, pero duda namin ay ito ‘yun.

Mukhang malabo pa raw ang Darna movie nina Ate Vi at Angel dahil hindi pa nabubuo ang istorya dahil nakita namin ang writers ng obra maestro ni Mars Ravelo na nagbi-brain storming na talagang hirap na hirap sila sa kuwento ng bato na galing sa universe.

 

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …