Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mich, may bagong BF na raw bago pa man namatay si Jam

ni Ronnie Carrasco III

021015 jamich

WHAT a sick publicity slant para kay Mich Liggayu (the girlfriend “widowed” byJam Sebastian) na mag-aartista na rin.

Even prior to Jam’s death, may kung sino ang nagkakalat ng tsismis na mayroon itong ibang nobyo, who was later identified as a certain Neo Domingo. Having searched Neo’s photos on social media—minus the physical comparison—ay artistahin din ang hitsura nito. Halatang may breeding.

Ang guy na ito ang pinalalabas na “the other man” sa relasyong Jammich, buhay pa man si Jam. But what’s the fuss?

Ngayong wala na si Jam, time to move on para kay Mich who has a life of her own kahit sino pang lalaki ang dumating sa kanyang buhay.

But to create a plain and simple tsismis para paingayin lang ang showbiz entry ni Mich is much too unfair for the girl. For sure, aani si Mich ng mga batikos mula sa mga tagahanga nila ni Jam. Kamamatay pa lang kasi ni Jam, may pumalit na sa puso ni Mich agad-agad?

Pero bago natin husgahan si Mich, let’s not forget na sinumang lalaki ang susunod na maugnay sa kanya will always be at the receiving end of the issue. For Mich, hindi ganoon kadaling iwaglit sa kanyang puso ang nakarelasyon of nearly seven years (the couple would have celebrated their seventh year this May).

Mag-aalangan din ang guy sa sensiridad ni Mich sa feelings nito for the newfound love, always comparing himself to Jam. Imagine, patay na ang karibal niya, pero siyang buhay is still no good as Mich’s boyfriend?

Mich alone—being the “widow”—plus her talent already makes for a good publicity. Hindi na kailangan pang mag-imbento that she was a two-timer kahit humihinga pa si Jam.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …