ni Alex Brosas
IPINAGTANGGOL ng baguhang host na si Ken Alfonso si Toni Gonzaga sa mga basher matapos ang nakakalokang hosting nito for the Bb. Pilipinas beauty pageant.
Host si Ken ng bagong travel show, ang Touchdown na magsisimula bukas 11:30 a.m. unitl 12 noon sa GMA News TV.
“Kahit na medyo unusual ang pagho-host ni Toni ay wala naman siguro akong masasabing masama against whatever happened that night. It was one way din para ma-relax ang crowd and I guess wala namang ginawang masama si Toni that night. Basically she did it para lang ma-relax talaga ang crowd and nothing beyond that,” sabi ni Ken nang matanong siya about it.
May height at may maamong mukha si Ken na Marketing graduate sa UST kaya naman swak na swak itong maging host. Kasama niya si Ariella Arida sa Touchdown. Ibinuking ni Ken na kahit beauty queen ay mahilig kumain si Areilla at favorite nito ang peanuts.
Featured sa pilot episode ang isang cruise line at bonggacious talaga ang kanilang show, ha. In the future ay sa Europe naman sila pupunta. The difference of the show among other travel shows ay nagpapakita sila ng talent ng Pinoys na nagtatrabaho sa abroad.