ni Ronnie Carrasco III
HOW dare Gretchen Barretto talk about respect!
Nasopla tuloy ang mga nag-interbyu sa kanya sa PMPC Star Awards for Moviessa tanong about showing up at her niece Julia Barretto’s debut party at maging ang kanyang ireregalo.
Huwag daw pilitin si Gretchen na sagutin ang mga tanong, at sa halip ay irespeto ang kanyang damdamin. Kulang na lang ay i-seminar niya ang reporter sa pagpapraktis ng salitang respeto.
C’mon, Gretchen! What respect were you talking about, samantalang ang respeto ay dapat nagmumula sa tahanan where one coexists with her co-family members.
Ikaw pa ba ang magtuturo ng kahulugan ng salitang respeto sa kapwa mo, gayong wala ka ngang karespe-respeto sa mismong ina mo? Kaya anong kredibilidad mayroon ka para turuan ang kapwa mong rumespeto ng damdamin ng ibang tao?
You demand respect, Gretchen. Well, be the first to practice it before you expect anyone to give that respect that you demand.
And if we may remind you…you don’t demand respect, you earn it!