Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boy abunda di pababayaan si Nora Aunor (Kung si Kris atras na raw sa pagtulong sa Superstar)

032015 Kris Aquino Boy Abunda nora aunor

00 vongga chika peterMAY mga sumasang-ayon sa pagsama ni Nora Aunor sa rally ng mga migrante sa

Eastwood City para sa pagpapababa sa puwesto kay Presidente Noynoy Aquino at siyempre kabilang na riyan ang mga Noranians.

Kung may mga agree sa ating Superstar ay mayroon din naman mga namba-bash na netizens sa social media kay Ate Guy. Kung ano-ano ang mga pinagsasasabi tungkol sa beteranang singer actress.

Samantala, nang i-text naman ng ating kapwa showbiz columnist dito sa Hataw D’yaryo ng Bayan na si Reggee Bonoan ang malapit sa kanyang si Kris Aquino para kunin ang reaction niya sa resign P-Noy movement at sa mga pinagsasabi ni Nora kay P-Noy, “Dedmabels,” ‘yan lang ang naging tugon sa kanya ng Queen of All Media.

Meaning ayaw na sigurong patulan pa ni Kris ang isyu at si Ate Guy kaya deadma na lang raw.

Pero teka? Paano na ‘yung promise na tulong ni Kris para sa two-way plane ticket ng Superstar para sa pagpapa-opera ng boses niya sa Amerika? Tuloy pa ba ang donasyon niya o pati ‘yon ay iso-shoulder na rin ng kanyang BFF at co-host sa “Aquino and Abunda Tonight” na si Kuya Boy Abunda na sasagot naman sa gagastusin sa operasyon ni Ate Guy?

Basta ang alam namin pagdating sa pagtulong sa kapwa ay nangunguna riyan ang King of Talk, at nakasisiguro rin kaming hindi niya pababayaan ang iniidolong aktres.

‘Yun na gyud!

TV VIEWERS NAPA-WOW SA MAGIC NG “INDAY BOTE”

Sa pilot episode ng “Inday Bote” ni Alex Gonzaga noong Lunes ay nakasentro ang istorya sa cute na duwendeng si Entoy na ginagampanan ni Alonzo Muhlach. Marami ang bumilib sa husay ng portrayal ni Alonzo at nationwide na naging trending topic si Alonzo. Marami ang naaliw sa bagong child wonder kaya siguradong gabi-gabi ay aabangan na siya kasama ang kanyang Ate Alex, Matteo Guidicelli at Kean Cirpiano sa nasabing fantasy-drama series ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN na nakakuha agad ng mataas na rating sa unang araw ng palabas nito.

Base sa viewership survey ng Kantar Media noong Lunes (March 16) pumalo sa 18.4% ang Inday Bote sa national TV rating, na mas mataas kompara sa katapat na show. Bukod sa TV ratings, panalo rin ang Inday Bote sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan naging worldwide trending topic ang official hashtag nitong #IndayBoteAhWaw. Lalong mamahalin ng viewers sa kuwento ng Inday Bote, ngayong tinupad na ng mga duwende ang kahilingan ng mag-asawang Angelo (Bobby Andrews) at Maricel (Carla Humphries) na magkaroon ng anak.

Inaabangan kung paano babaguhin ng pamilya nina Angelo at Maricel ang relasyon ng mga duwende sa tao. Ang magiging anak na ba nila ang makapag-iisa sa dalawang mundo? Huwag palampasin ang kapanapanabik na kuwento ng pangarap at hiwaga sa Inday Bote, gabi-gabi bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

 

 

ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …