DESMAYADO ang isang taga-corporate world na kumontak sa isang male singer para mag-perform sa isang company event.
Malaki pa naman kasi ang ibinayad nila sa nasabing artist, but sadly, hindi nito nai-deliver ang performance na inaasahan sa kanya (to think regular pa man din siyang napapanood sa isang palabas na nangingilatis ng totoong may magandang boses).
After his performance ay hinarap siya mismo ng kumontak sa kanya. Ang tanging nasabi na lang daw ng singer ay, ”I’ll do better next time.”
Pero as far as the corporate staff was concerned, wala na raw susunod pang event para kunin nilang muli ang singer na itago na lang natin sa one-word name na Bimby.