PAGKATAPOS ng matagumpay na The Voice Kids (TVK) Season 1, muling magkakaroon ng audition bilang paghahanda sa nalalapit na Season 2.
Kaya naman tinatawagan ng reality singing competition ang mga batang may edad 7 to 13 (na sasali) na maghanda ng dalawa hanggang apat na awitin para sa audition. Hindi na po kailangang magdala ng tape dahil a capella po ang gagawin nilang pagkanta.
Ang audition ay gagawin sa iba’t ibang sangay ng Starmall. Sa March 21, gagawin nag audition sa Starmall EDSA-SHAW, 9:00 a.m.-5:00 p.m.; March 25—Starmall Las Piñas, 9:00 a.m.-5:00 p.m.; March 29 – Starmall Prima Taguig, 9:00 a.m.-5:00 p.m.; at sa April 9—Starmall Talisay.
Ang mga nabanggit na araw ay preliminary audition, kaya iniimbitahan naming ang lahat ng talented young kids to put their best foot forward and get noticed. From there, the ABS-CBN reality show judges will be weeding out contestants and picking the best of the best for their team.
Kung ating matatandaan, si Lyca Gairanod, ang nagwagi sa The Voice Kids Season 1. Siya ay nagwagi ng recording contract sa MCA Universal kasama ang lupa’t bahay saCamella Tierra Nevada. Ito ay mula sa Camella, the biggest homebuilder in the country at isa sa major sponsor ng show.
ni Maricris Valdez Nicasio